Wednesday, December 9, 2009

"Ipagmalaki natin ang ating natatanging Wikang Filipino"


Noypi – Bamboo Music Code




- Sa larawang ito makikita ang bersyon sa wikang Filipino ng "Mi Ultimo Adios" na ginawa ng ating pambansang bayani bago siya mamatay at ito ay inilagay sa isang Kingkey.

- Dito naman makikita ang ilan sa mga unang saknong ng Mi Ultimo Adios na ginawa ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na sa wikang Filipino ay "Pahimakas".

- Sa larawang ito makikita ang isang klase ng mayayamang halaman na matatagpuan sa Pilipinas.

- Ito ang "Pamabansang Museo" kung saan nakalagi at matatagpuan ang mga kagamitan at mga mahahalagang bagay na naging saksi sa makulay na kasaysayan at kultura ng ating bansa.


- Ito ay ang "Lagusnilad" na parang isang lagusan na may dating pangalang "Maynilad" at makikita ito sa kahabaan ng munisipyo ng Lungsod ng Maynila.


- Ang larawang ito ay makikita sa Luneta na may dating pangalan na "Bagumbayan", kung saan makikita ang ilan sa mga huling tula na kanyang isinulat ilang oras bago mamatay.

- Sa larawang ito ipinapakita ang pahayag kung saan binaril ang ating pambansang bayani na si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda at ilang mga tala ukol sa pagapapakabayaning ginawa ng isa sa mga "simbolo ng kalayaan" na nagpasiklab ng damdaming makabayan sa bawat Pilipino.


- Sa larawang ito ipinapakita na bilang isang Pilipino, SIMBOLO NG NASYONALISMO AT PATRIYOTISMO, maipapakita natin ang ating pagmamahal sa ating bansa sa pamamagitan ng pagtangkilik at pagmamalaki sa ating sariling wika.

- Dito ipinapakita ang isang slogan ng pagsasadula sa buhay ng ating pambansang bayaning si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda upang maisiwalat na siya ang "Unang Pilipino" na nagpakita ng masidhing pagmamahal sa bansa at pagpapakita ng kabayanihang walang ginagamit na dahas.


- Sa larawang ito, makikita ang mga impormasyon sa kung paano naitatag ang tinatawag na "Plaridel Masonic Temple" sa pagbibigay-pugay kay Marcelo H. Del Pilar na kilala sa tawag na "Plaridel" na matatagpuan sa Apacible St., Paco, Maynila.


- Sinasabi sa larawang ito na ang salitang "Maharlika" ay nangangahulugan ng pagiging marangal at nakatataas sa lipunan at sadyang katanggap-tanggap lamang bilang titulo ng ating mga ninuno sa mga grupo ng mga nakatataas sa lipunan tulad ng datu at raha noong unang panahon.


- Ang larawang ito ang sawikain ng Lungsod ng Makati..."Mahalin Natin...Atin Ito", kung saan, parang maging isang matatag at kapaki-pakinabang na komunidad ay dapat mahalin natin ang sarili nating lungsod dahil ito ay para sa ating sariling kabutihan o kapakanan.


- Ito ang pinaka-pangunahing layunin ng Lungsod ng Makati, na kailangan bilang isang bahagi ng mamamayang Pilipino, dapat nating paglingkuran ang bayan sa pamamagitan ng PAGTUTULUNGAN AT PAGBIBIGAYAN dahil nasa ating mga kamay ang ikauunlad at ikababagsak nito.

Tuesday, December 8, 2009

SALAMAT SA PAGSULYAP AT PAGSILIP SA AMING MUNTING MUNDO NG WIKANG FILIPINO!!!! MABUHAY ANG MAKABAGONG PILIPINO!!!!

BALARILA AT TALASALITAAN
MGA KASAPI:
NATASHA CHUA
YOJIE PILITRO
GLEA HICARO
RUBEN JOAQUIN
DHAN BORJA
I-CMiD
KOLEHIYO NG KOMERSYO
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS